Bilang suporta sa inisyatibo ng Munisipalidad ng Daet, Camarines Norte sa National Dengue Awareness Intiative at sa memorandum ng lokal na pamahalaan nito, nagsagawa ng Clean-up Drive ang Ako Bicol na pinangunahan ni Raymund Prado (Ako Bicol Provincial Coordinator) kasama ang mga masisipag na Ako Bicol Staff at Daet GIP’s nito sa Bagasbas Road National Highway maging sa mga kasuloksulukan ng Barangay Gubat, Brgy. 6, Barangay 5 Poblacion Daet, Camarines Norte.


Naging posible ito dahil sa pagtutulungan ng Ako Bicol at ng mga maasahang opisyal ng mga barangay, volunteers, aide at lahat ng nakiisa at nagbigay ng kanilang oras sa aktibidad na ito. Isa ang malinis na kapaligiran sa mabisang pangontra sa pagkalat ng mga lamok. Nawa’y panatilihin nating malinis ang ating kapaligiran upang dengue ay maiwasan!
#AkoBicolPartyList
#TabangSaKapalibotan
#KatabangNaKasurogpa
#FightTheBite