Pinangunahan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pagbubukas ng Malasakit Center sa Bicol Medical Center sa lungsod ng Naga. Suportado nina Congressman Elizaldy S. Co at Congressman Alfredo A. Garbin Jr. ng Ako Bicol Party-list ang proyektong ito na inaasahang makakapagbigay ng malawakang tulong sa mas marami pang Bicolano sa Camarines Sur, Camarines Norte, at Burias Island ng Masbate.


Tulad ng programang Tabang sa Karahayan ng Ako Bicol, nakikiisa ang partido sa inisyatibo ni Sen. Bong Go na makapagbigay ng tulong medikal sa mga mahihirap na Pilipino. Naniniwala rin ang Ako Bicol na ang malasakit sa kapwa ay nasa dugo ng bawat Pilipino.