Daan-daang mga benepisyaryo ng tulong sa pag-aaralsa ilalim ng programang Tabang sa Edukasyon ng Ako Bicol Party-list ang nagpasailalim sa komprehensibong oryentasyon patungkol sa mga kinakailangang papeles at mga benepisyo nito noong nakaraang lingo.


Pinangunahan ni Raymund Prado, Provincial Coordinator ng Ako Bicol sa Daet, Camarines Norte, ang mga aktibidad para sa mga benepisyaryong mag aaral na mula pa sa ADNU, Mariners, CEU, SFCCA, NCA at CSC. Ipinaliwanag din sa nasabing mga aktibidad ang mga programa at adbokasiya ng partido at maging ang misyon at bisyon nito na layuning bigyang kaalaman ang mga benepisyaryo. Samantala nagsagawa din ng elekyon para sa mga opisyal sa Ako Bicol Daet Chapter na dinaluhan din mga local na opisyal ng Barangay 6.
#AkoBicolPartyList #KatabangNaKasurogPa
#TabangSaEdukasyon #EducationalAssistance2019