Ilang araw pa lamang ang lumipas nang tayo’y muling manumpa sa tungkulin bilang kinatawan ng Ako Bicol Party-List sa kamara, heto tayo at puspusan nang muli ang trabaho para ipagpatuloy ang ating mga programang pang-edukasyon.


Maliban sa mga naunang pamamahagi ng educational assistance sa ating mga mag-aaral sa buong kabikolan, ipinagpapatuloy na din natin ang pamamahagi ng mga ‘Personal Computer’ sa iba’t-ibang paaralan, at naunang nakatanggap ang Sto. Domingo National High School at personal na tinanggap ni Principal Al P. Pelgone, kasama ang mga mag-aaral upang ipakita ang kanilang pasasalamat.
#TabangSaEdukasyon #GoingHiTech #AkoBicolPartyList#KatabangNaKasurogPa