Isang panawagan ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. sa mga pangunahing ahensya ng pamahalaang naatasan na pangalagaan ang kapakanan ng ating mga mamamayan pagdating sa wasto at ligtas na mapaglalagyan ng kanilang pinaghirapang salapi, kabilang ang Securities and Exchange Commission (SEC), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Information and Communications Technology (DICT), at Department of Justice, matapos ang paglabas ng kaliwa’t-kanang mga reklamo laban sa mga ‘investment scammers’.


Aniya, ipagpapatuloy ng Ako Bicol Party-List ang panawagang ito sa kamara sa pamamagitan ng pagsulong ng batas na magsisilbing mata at kamao laban sa mapanlinlang at mapang-abusong mga ‘investment schemes’ na ang mga pangunahing biktima ay ang mga retiradong kawani ng gobyerno at mga OFW.