Kaugnay ng mapanirang video na naglipana sa iba’t-ibang plataporma ng ‘social media’ ay naghain kahapon, ika-29 ng Mayo, ang Ako Bicol Party-List, sa pangunguna nina Cong. Alfredo A. Garbin, Jr, Cong. Christopher S. Co, at Cong. Ronald S. Ang, ng isang resolusyon na nag-aatas na magsagawa ng sariling imbestigasyon ang kamara patungkol sa pananagutan ng mga modernong plataporma sa mga inilalathala ng mga miyembro nito na maaaring pagmulan ng sari-saring pamamaraan ng pang-aabuso o paninirang-puri.

Isa sa mga naging biktima ng ‘Bikoy Videos’ na kamakailan lamang ay naging sentro ng kontrobersiya sa bansa ay ang ating pangunahing pinuno sa Ako Bicol Party-List na si Chairman Elizaldy S. Co, na higit na apektado matapos siya, kabilang ang kaniyang mga negosyo, ay iugnay sa patuloy na paglaganap ng ilegal na droga sa bansa sa pamamagitan ng naturang mapanirang mga espekulasyon, na produkto lamang ng malisyosong imahinasyon na ang tanging pakay ay yurakan ang pagkatao ng mga taong inosente at naghahangad lamang ng kabutihan sa bayan.


Kung kaya’t higit ang ating paninindigan laban sa ‘fake news’ at iresponsableng paglalathala ng impormasyon sa kabila ng modernong teknolohiya ng komunikasyon, at ang ating walang-patid na adhikaing mas pagtibayin ang tradisyonal na pamamahayag ng balitang totoo at patas na magiging isang katangian ng isang maunlad, malaya, at mapayapang bansa.
Basahin:
https://www.pna.gov.ph/articles/1071037
https://news.mb.com.ph/…/house-to-summon-bikoy-fb-and-yout…/
http://manilastandard.net/mobile/article/295990
https://www.philstar.com/…/facebook-google-face-house-probe…