Sa ating regular na programa sa DZGB, ay maaga nating napaunlakan ang isang panayam kasama ang batikang mamamahayag na si Al Almario para pag-usapan ang mga pinakabago at sariwang balita mula sa kongreso matapos ang halalan.

Naging paksa din ng pag-uusap ang patuloy nating pagtutol sa ‘Provincial Bus Ban’ at ang mga naging hakbang upang labanan ito. Maging ang kasalukuyang pagtalakay sa darating na pagpili ng magiging bagong lider ng kamara, pati na rin ng Party-List Coalition Foundation na ating kinabibilangan.

Bago matapos ang panayam, muling pinasalamatan ni Cong. Pido Garbin ang publiko sa walang-patid na pagmamahal sa Ako Bicol, at sinigurado niya na hindi bibiguin ng partido ang mga kababayang nagbigay ng mandato sa Ako Bicol upang manilbihang muli sa ika-apat na pagkakataon.