Pinaunlakan ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. ang panayam sa CNN ‘The Source’ kasama ang beteranong mamamahayag na si Pinky Webb, kung saan naging pagksa ng pag-uusap ang kakatapos pa lamang na halalan, kung saan pumangatlo ang Ako Bicol sa naging mistulang karera ng mga party-list sa bansa.


Binigyang diin ni Cong. Garbin ang adhikain ng partidong ituloy ang mga magagandang nasimulan, tulad ng mga programang magsusulong ng ating mga karapatan sa larangan ng edukasyon, kalusugan, at trabaho. Nais niya ring matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan, lalo na ng mga naging biktima ng sakuna o anumang kalamidad. Makakasa ang taumbayan na isasaalang-alang niya ang kapakanan ng bawat Pilipino sa kanyang mga isusulong pang mga batas sa kamara.