Sa muling pagkakataaon, iprinoklama ng Commission on Elections ang Ako Bicol na pumangatlo sa halalan ng Party-List system matapos mabigyang muli ng mandato mula sa 1,049,040 na Pilipino.

Dinaluhan ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. ang nasabing proklamasyon ng mga nagwaging partido sa Philippine International Convention Center (PICC), kasama ang 60 na iba pang uupo bilang mga kongresista sa 18th Congress, na magbubukas ngayong Hulyo.


Isa lamang itong testamento sa ating kakayahang tumayo bilang boses ng mga Bicolano sa kamara, at ipagpatuloy ang ating mga nasimulang adhikain para sa ating mga kababayan.
Sa muli, maraming salamat po!