Bumalik muli ang partido sa mga naging biktima ng sunog ilang buwang na ang nakalilipas sa Brgy. Victory Village, Legazpi City, sa pangunguna ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr., kasama ang Jaime V. Ongpin Foundation, Inc., upang mamahagi ng mga relief packs para tugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan, tulad ng pagkain.

Ipinangako din ni Cong. Garbin na tutukan ng partido ang pagsusulong sa kongreso ng programang pabahay para sa mga biktima ng nasabing sakuna at ng iba pang mga naging kalamidad.


Marahil ang mga munting pakete na ito ay hindi kasagutan sa lahat ng kanilang pangangailangan, ngunit ito ay sapat nang magbigay inspirasyon at pag-asa sa mga biktima, na ang makitang may handang tumulong at dumamay ay husto na upang sila’y magising sa mistulang naging bangungot.