Nakatutuwang makasama ang ating mga literal na kabalikat mula sa ‘KABALIKAT CIVICOM’ sa kanilang ginanap na 2ND REGIONAL EYEBALL, isang pagtitipon na ginanap para ipagdiwang ang natatanging kontribusyon ng organisasyong layunin ay makatulong sa mga panahon ng kalamidad o may banta sa ating seguridad sa pamamagitan ng modernong mga kasangkapang pangkomunikasyon.


Layunin din nating mas pagtibayin ang mga samahang tulad nito sa pamamagitan ng pagsusulong sa mga programang maaaring paglaanan ng pamahalaan ng pondo upang mas mapataas ang kalidad ng kanilang serbisyo sa ating mga kababayan.