Bagama’t tayo ay abala sa kampanya, hindi parin natin kinalilimutan ang ating pananagutan sa bayan, lalo na ang usapin patungkol sa nalalapit na pagpapatupad ng batas na magbabawal sa mga bus galing probinsya na bumiyahe sa loob ng Metro Manila sa pamamagitan ng EDSA!


Isang panayam ang ating pinaunlakan ngayong umaga upang ipahayag na muli ang ating mahigpit na pagtutol sa hindi tama at hindi makataong batas-trapiko na magiging dagdag-pahirap sa ating mga kababayan, lalo na sa mga Bicolano.