Pinulong natin ang lahat ng media na ating naging kasama sa halos isang dekada nating paninilbihan para sa mga Bicolano. Hinikayat natin silang tulungan tayo na paliwanagan ang ating mga kababayang nasa kanilang mga kamay ang tagumpay ng Ako Bicol sa darating na halalan.


Bilang mga mamamahayag na nagsilbing matang mapanuri sa ating pagganap bilang representante ng rehiyon, sila lamang ang makakapagpatunay na nanatili at kailanma’y hindi naglaho ang Ako Bicol Party List, eleksyon man o hindi!