Ako Bicol Rep. Ang, naghain ng batas kontra paggamit ng plastic bottles

Naghain ng panukalang batas sa Kongreso si Ako Bicol Partylist Rep. Ronald S. Ang kontra paggamit ng maliliit na plastic drinking bottles o tinatawag na “Plastic Drinking Bottles Regulation Act” na naglalayong mabawasan ang lumalalang problema at pangambang dulot ng sobrang paggamit ng mga plastic bottles.

No photo description available.

Ayon sa nasabing panukala, nililimitahan ang paggawa, pag-angkat, pagbenta, at paggamit sa mga plastic bottles na hindi lalampas sa 750 milliliters. Hindi kasama ang mga plastic bottles na ginagamit sa medikal at kemikal na pamamaraan.

Image may contain: text

Ang nasabing panukala ay magiging epektibo isang taon matapos maipasa. Ang isang taon na ito ay magsisilbing sapat na panahon upang mabigyang pagkakataon ang mga mamamayan na maging matalino at magsimula nang mag-recycle ng mga plastik bottles at iwasan nang bumili ng panibago. Layunin din nito na mabigyang pagkakataon ang mga mamamayan na mamuhunan na sa mga alternatibong kagamitan bilang pamalit sa plastik tulad ng mga tumblers at mga reusable na lalagyan.

Ang mga business enterprises, markets, supermarket, at food establishments ay kasama sa pagsunod sa nasabing panukala sa paggamit ng plastik bottles. Ang mga susunod sa batas na ito ay mabibigyan ng insentibo batay sa Philippine Cooperative Code of 2008 pati na rin ang mga LGUs o mga lokal na yunit ng pamahalaan.

Image may contain: text
Image may contain: text

Ayon sa datos ng United Nations Environment noong 2018, higit isang milyong plastik bottles ang nabibili kada minuto sa buong mundo. Lagpas pa sa 486 milyon ang nabenta sa buong mundo noong 2016 at inaasahang aabot pa ng 583.3 bilyon sa taon 2021. Pangatlo ang Pilipinas sa may pinakamalaking kontribyutor sa pagdumi ng karagatan.

Image may contain: text
Image may contain: text

Nais ng panukalang makapagbigay ng solusyon sa mga krisis na hinaharap ng ating bansa. Lahat tayo ay may responsibilidad sa pag-aalaga sa ating bansa at ang pakikipagtulungan ng gobyerno, business enterprises, at ng mga mamimili ang magsisilbing pundasyon sa pagpapatupad ng batas na ito.

#141AkoBicol
#KatabangNaKasurogPa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s