Masayang nakibahagi si Cong. Alfredo ‘Pido’ A. Garbin, Jr. sa pagbubukas sa Masbate ng Rodeo Festival 2019, isang taunang selebrasyon ng kultura at pagkakakilanlan sa larangan ng palakasan na sumusulong ng turismo sa probinsya at nagbukas ng oportunidad sa mga Bicolano.


“Hindi tayo magsasawang magpakita ng ating suporta sa mga ganitong selebrasyon na nagtataguyod ng ating mga lokal na tradisyon na nagiging tulay sa pag-unlad ng ating rehiyon, maging ng bawat pamilya dahil sa trabahong naibibigay sa patuloy na pagtangkilik saating turismo”. – Cong. Pido