Sa muling pagbisita ng Ako Bicol Party List sa probinsya ng Camarines Norte, pinaunlakan ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. ang isang panayam sa DWSR Power Radio kung saan ang mga pangunahing programa at batas na isinusulong ng partido ang naging sentro ng pag-uusap.
Hinikayat din ng representante na magkaisang muli ang mga Bicolano sa darating na halalan sapagkat ang kapalaran ng partido na muling magsilbi ay nasa kamay ng mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa mga adhikain nito.
Matatandaang ang National ID System, Libreng Patubig, Anti-Bullying, Mandatory PhilHealth Coverage para sa PWDs, at Libreng Kolehiyo ay ilan lamang sa mga naipasang batas ng Ako Bicol Party List.