Isa na namang paaralan ang may kahilingang naisakatuparan ni Cong. Pido Garbin at ng Ako Bicol Party List nang personal nitong ihatid ang dalawang bagong computer set sa Manito Community College, Manito, Albay.
Mahirap man paniwalaan, ngunit totoong mayroon paring mga institusyon ng edukasyon ang nananatiling salat sa mga pangunahing pangangailangan, kung kaya’t ang mga computer set ay sadyang ginto na ang katapat kung ang kaligayahan ng mga guro’t mag-aaral ang gagawing batayan.
May gaganaping malakihang pamamahagi ng educational assistance para sa mga higit na nangangailangang mag-aaral sa mga darating na araw, ang mga tatanggap ay ang mga nagpalista pa nang nakaraang taon at nagmula mismo sa mga pamunuan ng mga pampublikong paaralan. Isa lamang itong patunay na ang Ako Bicol Party List ay nananatiling mukha ng pag-asa para sa kabataan na makapag-aral salat man sa buhay.
Kami ay lubos na nangangarap na darating ang panahon, lahat ng bata ay hindi na kailangan pang maglakbay ng malayo para lang makarating sa paaralan, magbenta ng kung anu-ano para lang may maibaon, o magtiis ng gutom sa maghapon para lang makakuha ng pagsusulit.
Ito’y mga pangarap, mataas man ay maaaring abutin. Kasama niyo po kami sa pag-abot ng mga ito, matatagalan man ang paglalakbay ay siguradong makakarating din.