Muling tinalakay ni Cong. Pido Garbin, kasama si Atty. Justin D. Batocabe, ang isinusulong na Pederalismo bilang bagong pamamaraan ng pamamahala sa bansa sa ginanap na Provincial Congress ng Liga ng mga Barangay ng Catanduanes sa Citystate Hotel, Malate, Manila.
Bagama’t ang layunin ng konseptong pederalismo ay palakasin at paunlarin ang mga rehiyon at hindi nakadepende sa national government, ipinaliwanag parin ni Cong. Garbin ang mga benepisyo, maging ang mga posibleng negatibong implikasyon, sakaling ito ay ganap nang maisabatas.