Dinaluhan nina Ako Bicol Partylist representatives at Committee on Public Account members Congressman Alfredo Garbin, at Congressman Atty Ronald Ang ang pagdinig sa kamakailang matinding kakulangan ng tubig sa Metro Manila, March 20, 2019 sa House of Representatives, Batasan Hills, Quezon City.
Isa isang nagtanong ang mga kongresista tungkol sa isyu na sinagot naman nila Atty. Patrick Ty, Chief Regulator – MWSS Regulatory Office, MWSS Corporate Office Representative Administrator, Mr. Moro Lazo, Manila Water President, Mr, Ferdinand M. Dela Cruz, at Maynilad COO, Mr. Randolph T. Estrellado.
Layunin ng Ako Bicol Party list ang makatulong sa lumalalang krisis na ito at nangako naman ang mga opisyal ng Maynilad at MWSS na aaksyonan agad ang problema sa lalong madaling panahon.