Dumalo sa isang press conference sina Ako Bicol Partylist Representative Congressman Alfredo Garbin,at Congressman Atty. Ronald S. Ang, kasama si Minority Leader Danilo Suarez at Hon. Lito Atienza, kung saan tinalakay ang usapin tungkol sa 2019 National Budget.
Dito sinagot ni Minority Leader Suarez at Congressman Garbin ang mga pasaring ng mga senador tungkol sa pagkaganid umano ng mga kongresista sa pera at ginagamit ang mga budget sa kanilang pansariling interes. Kinontra ito ng Minority floor at sinabing ginagamit lang ang budget para sa pangangailangan ng kanilang nasasakupana at ang mga komentong ito ng mga senador ay pawang pamemersonal.
Makakaasa ang mga mamayan na ang Ako Bicol Party list ay tapat sa kanilang serbisyo.