Muling dumalo sa pangalawang pagkakataon ang Ako Bicol Party List Representatives Congressman Alfredo Garbin, Congressman Atty Ronald Ang, at party list nominee Justin Batocabe sa 2019 Provincial Summit na inorganisa ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas Sorsogon Chapter na ginanap sa Hotel Supreme Convention Plaza, Baguio City.
Kagaya ng naunang pagtitipon, ang programa ay may temang “Enhancing the Principles and Goals on Federalism – Headed for a New Political and Social Prospect Fit for Philippine Culture and Society” na dinaluhan din ng mga Barangay Official ng Sorsogon.
Muli namang tinalakay ni Congressman Alfredo Garbin ang mga pros and cons ng pagkakaroon ng Federal Government.