Sa isang panayam sa radyo kasama sina Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. at Atty. Justin D. Batocabe, sumama ang beteranong aktor na si Manoy Eddie Garcia para personal na ipahayag ang kanyang patuloy na suporta sa Ako Bicol Party List, na kung saan siya ay nagsilbing mukha ng partido mula nang ito’y unang lumahok sa halalan isang dekada nang nakakaraan dahil sa kaniyang paniniwala sa mga programa at adbokasiya ng samahan na ang tanging mithiin ay mapabuti ang buhay ng bawat Bicolano.


Tinaguriang ‘Bicolano Icon’ sa industriya ng pelikula, nagsilbi si Manoy bilang isang simbolo ng tagumpay at pagpupunyagi sa kabila ng anumang pagsubok sa buhay. Kung kaya’t siya ay karapat-dapat lamang na hiranging imahen ng ating pagkakakilanlan bilang mga Bicolano.