Nagtungo si Ako Bicol Party list nominee Atty. Justin Batocabe sa estasyon ng DZGB News Online para sa “Orogmahan, Karantahan asin Tarabangan”, isang programang patimpalak na pinapangunahan ng Ako Bicol Partylist.
Bago magsimula ang mga awitan, nagbigay muna ng ngiti ang abogado kay Ronald, isang PWD na hindi nakakakita at nagtatrabaho bilang resident guitarist ng Orogmahan, Karantahan asin Tarabangan. Ayon kay Ronald, pinangakuan daw siya ni Cong. Rodel Masigan Batocabe ng isang “wireless radio”. Bagamat wala na ang ating mahal na Cong. Batocabe, tinupad naman ni Atty. Batocabe ang pangako ng kanyang yumaong ama kay Ronald.
Sa kabilang dako, tinalakay din ni Atty. Batocabe ang mga kasalukuyan at mga hinaharap na programa at proyekto ng Ako Bicol Partylist.