Bakas ang kaligayahan sa mukha ng mga kabataang tumanggap ng mga bagong fiberglass basketball board na personal na iniabot ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr., isang katuparan sa pangakong binitawan nang huli silang magkasama sa hindi inaasahang pagkakataon.
Bagama’t sila ang tumanggap ng regalo, lubos ang naramdamang saya ni Cong. Garbin nang sinorpresa siya ng mga ito ng isang jersey uniform na pasadyang ipinagawa para lamang sakanya bilang tanda ng kanilang nag-uumapaw na pasasalamat.
Nararapat lamang na bigyan natin ng sapat na suporta ang ating mga kabataan sa kung ano man ang landas na kanilang piniling tahakin, at makasisigurado tayong sila ay magiging matagumpay sa kanilang mga mithiin.