Ang banig ay naging simbolo ng ating pagkakaisa bilang mga Bicolano na may iisang layunin – ang tulungan ang ating kapwa sa anumang suliranin. Tulad ng isang banig na ang tibay ay mula sa pagkakahabi nito, tayo’y naging matatag sa bawat dumaang bagyo.
Isang dekada na ang akararaan nang kinunan ang mga larawang ito, ngunit ang mensaheng nais ipabatid ay sadya paring pareho. Sa bawat pagkakataong tayo’y hinahamon, sa pagkakaisa tayo ay siguradong aahon.
Marami saating mga kababayan sa tuwing panahon ng bagyo ang nakatatanggap ng agarang aksyon, na magpahanggang ngayon, patuloy ang programang “Tabang sa Kalamidad” ng Ako Bicol para bigyang katuparan ang ating sinimulang misyon.