Hinarap ni Congressman Alfredo Garbin Jr. ang mga lokal na mga broadkaster sa Naga City, Camarines Sur sa isang pagtitipong ginanap sa Moraville Hotel sa nasabing siyudad. Tinalakay ni Garbin ang mga isyu patungkol sa National ID System, sa mga assistenyang medikal, Free Irrigation Act, Party-List System at ang kaso ng yumaong kongresista na si Rodel M. Batocabe.
Binigyang diin din ng kongresista ang mga isyu ng implementasyon ng batas na magpapababa ng pananagutan ng mga kabataan sa batas kung saan siya’y mariing tumututol. Tinapos ni Garbin ang talumpati sa pamamagitan ng pagbibigay kasiguruhan na patuloy ang serbisyo ng Ako Bicol.