Dumalo si Ako Bicol Partylist Representative at Member of Committee on Tourism Congressman Atty Ronald Ang sa paglulunsad ng mas pinaigting at mas pinasayang kampanya ng Department of Tourism (DOT) na “It’s more fun in the Philippines” na pinangunahan ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa National Museum of Natural History sa Ermita, Manila noong ika-18 ng Pebrero, taong 2019.
Pormal nang ipinakita sa publiko ang bagong logo at font face ng nasabing kampanya DOT na kanilang opisyal na gagamitin sa pagbuo ng mga promotional materials na naglalayong mas pataasin ang turismo ng bansa sa pamamagitan ng mga bagong disenyo.
Ayon kay Gng. Puyat, ang ipinakitang mga bagong promotional videos ay hango sa mga aktwal na litrato, video, at reviews ng iba’t ibang tourist destination sa bansa.
Sinundan ng press conference ang paglulunsad at binigyan ng tour ang mga dumalo sa loob ng bagong establisyimento ng National Museum.