Sa pangunguna ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr., kasama si Atty. Justin D. Batocabe at Mrs. Gertie D. Batocabe, dumalo at nakiisa ang Ako Bicol Party List sa ginanap na Inaugural Blessing and Unveiling Ceremony ng Bicol Regional Heart Center, isang proyektong magtatatag ng espesyal na pampublikong pagamutan na may mas malawak na kakayanan na magbigay ng dekalidad na serbisyo para sa mga may karamdaman sa puso, at hindi na kakailanganin pang maglakbay papuntang Maynila para lamang maabot ang inaasam at kinakailangang lunas.