Pinangunahan ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. at Atty. Justin D. Batocabe ang pamamahagi ng mga relief packs para sa mga biktima ng sunog sa Brgy. North Victory Village para agarang mabigyan ng karampatang aksyon ang suliranin ng bawat pamilyang naglaho ang mga pangarap, kasabay ng pagkawala ng kanilang mga tahanan at ari-arian.
Sa kabila nito’y masayang ibinalita ni Cong. Pido Garbin ang kanyang isinusulong na proyektong magtatatag ng Permanent Evacuation Centers na magsisilbing pansamantalang tuluyan ng mga biktima ng anumang kalamidad.