Para maiwasan ang re-enacted budget, na maaaring maging isang suliranin sa pag-usad ng mga planong programa’t proyekto ng pamahalaan para sa kasalukuyang taon, nagtipon ang mga miyembro ng kamara at senado para sa isang Bicameral Conference, kung saan kabilang si Cong. Alfredo A. Garbin, Jr., para sa agarang aksyon na maaprubahan ang General Appropriations Bill upang tuluyan nang maipasa ang 2019 National Budget at masimulan ang mga programang nailatag na para sa taong ito.