Isa na namang pangako ng Ako Bicol Party List ang natuoad nang pinangunahan ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. ang pamamahagi ng libo-libong mga aklat para sa iba’t-ibang pampublikong paaralan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.
Maaalala nating bumisita si Cong. Garbin sa nasabing munisipyo ilang linggo pa lamang ang nakalilipas para personal na ibigay ang isang bagong computer set, na kung saan ay nangako siyang muling babalik para mamahagi naman ng mga aklat na maaaring gamitin ng mga estudyanteng kabilang sa K-12 learning system.
Ang programang ito ay halos isang dekada nang naging panata ng Ako Bicol, sa pakikipag-tulungan sa Children International, Inc., na naglalayong mas pagtibayin ang kalidad ng edukasyon sa bansa at mabigyan ang bawat bata ng pag-asang magkaroon ng mas magandang kinabukasan.