Pinangunahan ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang panunumpa sa tungkulin ni Cong. Ronald S. Ang bilang bagong kinatawan ng Ako Bicol Party List sa kongreso.
“Bagama’t patuloy ang ating pagluluksa sa pagkawala ng isang mabuting kaibigan, kailangan nating ipagpatuloy ang mga programang nasimulan at napatunayang kapaki-pakinabang sa ating mga kababayan”. – Cong. Ang
Ayon sa Republic Act 7941, o ang Party List System Act, ang pwestong naiwan ng yumaong si Cong. Rodel M. Batocabe ay pupunan ng susunod na kinatawan ayon sa pagkasunod-sunod ng mga nominadong isinumite sa COMELEC.