Isang magandang balita ang dala ng mga bisita natin mula sa Tourism Infrastucture and Enterprise Zone Authority (TIEZA) nang ipakita nila ang pinal na plano para sa ating proyektong “Beautification of the Legazpi Boulevard” na agad ring nilagdaan ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. na isang hudyat na ang proyektong ito ay aarangkada na!
Sabi nga ng ating mabuting kaibigan na si Legazpi City Mayor Noel E. Rosal, na kasama natin sa ating mga mithiing mas paunlarin ang turismo, “Padagos tang buhayon ang Legazpi!”