“Sagot po namin kayo, kasama ninyo kami sa labang ito!” – Cong. Pido Garbin
Sino nga ba ang makakatanggi sa mga ngiting tulad nito, sa kahilingang suporta lamang ang natatanging kasagutan dito?
Binisita si Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. ng Coalition of Services for the Elderly, Inc., isang samahan ng mga senior citizens na aktibong sumusulong na maging isa nang ganap na batas ang Universal Social Pension na magbibigay sa ating mga lolo’t lola ng karagdagang buwanang pensyon mula sa pamahalaan para sa kanilang mga pangunahing mga pangangailangan tulad ng pagkain at gamot.