Isang talumpati ang ibinahagi ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. sa unang araw ng muling pagbubukas ng plenaryo ng kamara, binalikan ang mga alaala sa namayapang kaibigan at kasamahan na si Cong. Rodel M. Batocabe, na inilarawan niya bilang isang taong naging sandigan ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga kababayan.
Nagpasalamat din siya sa kapulisan at sa pamahalaan, sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa hindi-matatawarang dedikasyon para makamit ang hustisya para kay Cong. Batocabe.
Ipinangako niya sa mabuting kaibigan na ipagpapatuloy niya, kasama ang Ako Bicol Party List, ang kanyang mga sinimulang programa at isinusulong na batas para sa mga taong hanggang sa huli ay pinag-alayan niya ng panahon, at maging ng kanyang buhay.