Isa sa mga pangunahing pagsubok sa ating demokrasya ay ang tahasang paggamit ng malayang pamamahayag para sa pansariling interes sa pamamagitan ng paglabas ng mga pekeng balita at maling impormasyon na nagiging ugat ng maraming kaguluhan sa ating lipunan.
Isang media fellowship ang pinangunahan ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. upang direktang matugunan ang mga adhikain ng ating mga kaibigang mamamahayag sa probinsya ng Catanduanes.
“Ngayong nalalapit na naman ang eleksyon, marami ang magpapanggap na lehitimong mamamahayag para lamang supilin ang ating karapatang pumili ng naaayon saating prinsipyo at konsensya. Patuloy nating isulong ang responsableng pamamahayag para sa ikauunlad ng ating bansa”. – Cong. Pido Garbin