AKO BICOL: 5,000 Pesos kada pamilyang biktima ng Bagyong Nina

Hindi tumitigil ang AKO BICOL Party-list sa paghahanap ng paraan para matulungan ang pinansyal na pangangailangan ng mga biktima ni bagyong Nina. Kasunod nito, hiniling ng AKO BICOL sa pamahalaan, sa tulong ng Department of Budget and Management, na maglaan ng limang libong (P5,000.00) piso sa bawat pamilyang nasalanta ng nasabing bagyo.

16508466_1326155000740498_4934391084079210887_n

Ayon kay AKO BICOL Congressman Alfredo “Pido” Garbin, “Nandito kami para tulungan an gating mga kababayan sa lahat ng panahon, hindi lamang tuwing may bagyo. Ginagawa po namin ang lahat ng paraan para matulungan ang pinansyal na pangangailangan ng mga apektadong pamilya.”

Dagdag pa ni Garbin, asam nya na wag mawalan ng pagasa ang mga kapwa nya Oragon sa pagharap sa panibagong hamon ng buhay kasunod ng perwisyong hatid ni bagyong Nina.

Lumalabas sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kailangan talaga ng pinansyal na tulong ng 358, 797 na apektadong pamilya mula sa iba’t-ibang munisipyo at lungsod na sakop ang 849 barangay na sinalanta ni bagyong Nina noong Disyembre 25, 2016.

Sa isang pahayag, sinabi ni AKO BICOL Congressman Rodel M. Batocabe, “Patuloy ang aming adbokasiya na matulungan ang lahat ng Bikolano lalo na sa panahon ng bagyo. Walang kapalit ang mga buhay na nawala noong kasagsagan ng bagyo, ngunit ang tulong-pinansyal ay malaking bagay upang sila ay makabalik sa dati at mamuhay ng normal.

Sa ilalim ng adbokasiya ng AKO BICOL, ang Tulong sa Kalamidad, walang humpay sa pagpapaabot ng tulong ang partido ng mga Oragon sa mga biktima ng kalamidad gaya ng pamamahagi ng ‘relief goods’ at pagtulong sa ‘clearing operations.’

This entry was posted in Active Engagements, AKB in Albay, AKB in Camarines Norte, AKB in Camarines Sur, AKB in Catanduanes, AKB in Masbate, AKB in Sorsogon, Tabang sa Kalamidad. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s