Relief operation at medical mission ng AKO BICOL sa Sorsogon, naging matagumpay sa kasagsagan ng muling pagsabog ng bulkan Bulusan

Naging matagumpay ang isinagawang relief operation at medical mission ng AKO BICOL PARTYLIST sa mga apektadong residente ng Juban, Sorsogon.

148430_1326050050593_6601100_n
Sa kabila ng muling pagputok ng bulkang Bulusan ay di ito naging hadlang upang hindi maipagpatuloy ang relief operation ng AKO BICOL sa pangunguna mismo ni AKO BICOL Partylist Rep. Christopher Co.

76782_1326049450578_2373710_n
Kabuuang 150 pamilya ng Barangay Puting Sapa, Juban ang nabiyayaan ng relief operation at napagsilbihan ng medical mission na idinaos sa Provincial Nursery, munisipyo ng Juban, Sorsogon.

Labis namang ikinatuwa ni Congressman Co ang ginawang pagtulong sa mga kababayang Bikolano na labis na apektado ngayon ng pag-alburuto ng bulkan dahil sa malaking pasasalamat ng mga ito sa kanilang grupo.

Malaking tulong aniya para sa kanila ang biyayang ipinagkaloob ng AKO BICOL.

150549_1326048450553_375605_n
Ayon sa mambabatas, ang nasabing proyekto ay isang maagang pamasko para sa mga biktima ng Mount Bulusan eruption na batid naman ng lahat na nahaharap ngayon sa kalamidad na malaking dagok sa kanilang buhay.

Ang naturang proyekto ay sa pakikipagtulungan ni Congressman Ding Ramos, Local government ng Juban, Sorsogon sa pamumuno ni Mayor Jimmy Bragata at Lt. Col. Santiago Enginco, kumander ng 49th IB PA.

This entry was posted in Active Engagements, AKB in Sorsogon, Tabang sa Kalamidad. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s