AKO BICOL tumulong sa mga nasunugan sa Sirangan, Sorsogon

Relief operations, isinagawa ng AKO BICOL sa mga nasunugan sa Sorsogon City bilang bahagi ng ‘TABANG SA KALAMIDAD’

206195_2779208658650_1576272736_n

Laging nakaantabay sa pagkakaloob ng tulong ang AKO BICOL Party List, at ang pinakahuli rito ay ang pagtulong sa mga nasunugan ng bahay at ari-arian sa lalawigan ng Sorsogon. Ito’y bilang bahagi ng kanilang nagpapatuloy na programang “TABANG SA KALAMIDAD”.

481322_2779222218989_1137299387_n

Magugunitang nitong nakaraang Abril 28, kasalukuyang taon nang mabiktima ng sunog ang kabuuang 33 kabahayan sa Delgado St., Sirangan, Sorsogon City. Subalit 23 rito ay deklaradong ‘totally damaged’ habang 10 naman ang ‘partially damaged’. Alas 11:15 ng umaga nang maganap ang insidente na sanhi ng nag-overheat na kawad ng kuryente at ganap ng ala-una ng hapon ng tuluyang ideklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na fireout na. Masuwerte na lamang ay walang naitalang casualty sa nangyaring sunog. Ang nasabing insidente ay itinuturing na pinakamalalang insidente ng sunog sa naturang lugar simula ng maganap ito dalawang dekada na ang nakakalipas.

543234_2779219898931_161839144_n

Dahil rito, agaran namang nagsagawa ng relief operations ang AKO BICOL sa pangunguna nina G. Rey M. Kallos, Regional Political Coordinator at G. Efren Guab – Sorsogon Provincial Political Coordinator ng AKO BICOL. Sa ginanap na relief operations sa Brgy., Sirangan, Sorsogon City, ipinagkaloob ng AKO BICOL kay Punong Barangay Florencio J. Jamisola Jr. ang sako-sakong bigas kaagapay ang DSWD. Ang Punong Barangay naman ang namahagi nito sa mga biktima ng naturang sunog. Kaugnay nito, labis namang nagpapasalamat ang opisyal at mga residente, unang-una sa Ako Bicol na umano’y walang humpay sa pagkakaloob ng tulong lalo na sa oras ng pangangailangan.

This entry was posted in AKB in Sorsogon, Tabang sa Kalamidad. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s