SUPORTADO NIN AKO BICOL ANG PINAKUNANG PAG-INTEGRATE KAN CLIMATE CHANGE ADAPTATION SA K TO 12 LEARNING MATERIALS

Suportado ni  Ako Bicol Congressman Rodel M. BOOMBatocabe ang pinaka-unang pagsama ng climate change adaptation (CCA) sa K to 12 learning materials. Ito ang naging pahayag ng mambabatas matapos maging guest speaker sa isinagawang workshop ng Department of Education sa Sto Domingo Albay na may paksang “Convergence for Rewriting, Re-editing, and Finalization of Learning Materials”.

Bilang pinuno ng komitiba sa pagbabago ng klima, todo suporta si Batocabe sa naturang proyekto na bahagi rin ng kanyang panawagan na isama ang CCA sa K to 12 curriculum.

Sa harapan ng mga guro at mga bisita binigyang diin ni Batocabe ang kahalagahan ng kanilang trabaho bilang mga pangunahing pagpapatupad ng naturang proyekto.

Nangako rin si Batocabe na ipagpapatuloy niya at ng Ako Bicol ang pagsabay ng CCA sa K to 12 curriculum gamit ang mga bagong learning materials na unang gagamitin dito sa kabikolan..

Katuwang din sa naturang proyekto ang komisyon sa pagbabago ng klima na pinangungunahan ni Secretary Manny De Guzman, ang opisina ni Congressman Fernando Gonzales ng pangatlong distrito ng Albay at opisina ng DEPED Bicol.

 

This entry was posted in Press Release. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s