Libu-libong scholar ng Ako Bicol Partylist na nagtatrabaho ngayon sa loob at labas ng bansa ang patuloy na nagpapaabot ng kanilang malakas na suporta sa kandidatura ng patylist upang makabalik sa kongreso ngayong taon.
Sa personal na mensahe at tawag na natanggap ng opisina ng Ako Bicol, ipinahayag ng mga ito ang kanilang commitment para iboto ang Ako Bicol dahil sa mga benepisyo na ibinigay nito sa asistensiya sa edukasyon na nagdala ng maganda sa kanilang buhay maging sa kanilang mahal sa buhay.



Samantala, isa ring beneficiary pa ng Ako Bicol ang nagpahayag ng pasasalamat sa nakuhang scholarship. Siya si Ellen Grace Santos Dondonilla ng Libmanan, Camarines Sur. Si Ellen Grace ang nagsailalalim rin sa libreng training sa electronics servicing course ng nakaraan taon lamang. Nagsimula siya bilang intern sa isa sa mga lokal na opisina ng Ako Bicol at nang mabigyan ng oportunidad na makapag-training ng libre sa electronic servicing upang mas makakuha ng malaking oportunidad para sa regular employment kung saan hindi na siya nagdalawang isip pa. Nang makatapos sa nasabing kurso agad naman siyang nakapagtrabaho bilang equipment operator sa electronics manufacturing plant sa Cavite.

Kaugnay ng kanyang nakuhang tagumpay hindi siya nakalimot na magpasalamat sa Ako Bicol at nangako pa ng suporta dito kasama na ang kanyang pamilya lalo na sa darating na halalan. Subalit hindi lamang ang kanyang pamilya ang kanyang hinikayat sa pagboto sa Ako Bicol Partylist kundi maging ang lahat ng Bicolano.