SCHOLARS NG AKO BICOL HINDI NAKAKALIMOT, SUPORTA SA PARTYLIST PATULOY

Patuloy ang suportang ibinibigay ngayon ng mga naging scholar ng Ako Bicol Partylist na nagtatrabaho na sa ibang bansa. Ito’y dahil na rin sa konkreto at positibong pagbabago na dinala ng Ako Bicol sa edukasyon at training program nito sa kanilang mga buhay.  

Alvin Daet with Wife Imelda Daet - Canada

Joel Armeña at kanyang asawa sa Edmonton, Alberta, Canada

Isa na dito si Joel Armeña, dating scholar ng AKO BICOL sa advanced welding at residente ng Barangay Bitano, Legazpi City, na nagtatrabaho na ngayon sa Edmonton, Alberta, Canada bilang certified welder an nagpahayag ng kanyang tulong sa partylist. 

Ayon kay Armeña, ang libreng tulong na ibinigay sa kanya ng Ako Bicol ang tunay na naging susi sa pagbukas ng oportunidad para makapagtrabaho siya sa Canada. Kung hindi umano dahil sa Ako Bicol, hindi siya magiging kuwalipikado sa nasabing trabaho. 

Joel Armena - 02

Alvin Daet sa isang kilalang tourist spot sa Alberta, Canada

Isa pang scholar ng Ako Bicol ang mula sa Tahao Road, Legazpi City ay si Alvin Daet, na sa ngayon nagtatrabaho rin sa Canada bilang associate certified welder, ang nagpahayag din ng pasasalamat sa partylist sa oportunidad na ibinigay sa kanya na makapag-aral ng advanced welding.

Ang training umano na kanyang nakuha sa pamamagitan ng scholarship ng AKO BICOL ang nagbigay kakayahan sa kanya para makapagtrabaho ng mabuti sa nasabing bansan. Ayon sa kanya, natatangi ang programa ng Ako Bicol kung saan naipapakita sa kanila ang mga teknolohiya at kagamitan na posible nilang gamitin sa industriya.

Parehas na nagpahayag sila Armeña at Daet ng kanilang patuloy na pagsuporta sa Ako Bicol partylist (Numero 16 sa balota) sa pagtakbo nitong muli para sa Kongreso ngayong 2016.

Joel Armena - Canada Workplace 03-1

Alvin Daet sa kanyang pinapasukan na kompanya.

Ayon sa kanila, buo ang paniniwala nilang marami pa ang matutulungan ng Ako Bicol na mga Bicolanong tulad nila ng maganda at marangal na buhay sa pamamagitan ng mga programang pang-edukasyon  na naglalayom na tulungan ang mga indibidwal na tulungan ang kanilang mga sarili.

Karamihan sa mga dating scholar ng Ako Bicol ay nagtatarabaho na ngayon sa iba’t ibang nasyon katulad ng Kingdom of Saudi Arabia, Qatar, United Arab Emirates, Japan, Kuwait, Taiwan, Turkey, United States at Singapore. 

This entry was posted in Press Release, Scholar's Report. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s