“Programang dapat tutukan, inihanay na ng Ako Bicol”

Inilatag ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang mga prayoridad nito sa Kongreso sakaling mahalal muli ngayong darating na halalan. Isa na rito ang hindi naaprubahan sa Senado na pag-institutionalize ng cash on work program o rural employment program.

Ang nasabing programa ay nakasentro sa mga magsasaka na seasonal lang naman umano ang hanapbuhay gayundin ang mga mangingisda. Sa ganitong paraan mabibigyan ang mga ito ng dagdag kita sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng 45 araw na trabaho sa loob isang taon. Halimbawa na lamang ng paglinis, pagtatanim o di kaya’y pagpinta sa lahat ng public works infrastructure project. Maging mga kababaihan ay masasakop din ng nasabing programa. Pagbibigay-diin ng opisyal ito ang una niyang tatrabahuhin na itulak lalo pa’t aprubado na itong sa Kongreso ngunit hindi pa nakakalusot sa Senado. Liban sa nasabing programa, binigyan diin din ni Batocabe ang pagtutok sa agrikultura.

Sa kabila umano kasi ng yaman ng agrikultura sa Bicol ang rehiyon pa rin ang may pinakamaraming bilang ng naghihirap. Kaya kaniya umanong ipagpapatuloy ang green blood coastal program kung saan nakatutok sa pag-intitutionalize ng mga coastline tulad na lamang ng pagtatanim ng mangroves o bakawan. Layunin din nito ang pagkakaroon ng housing sa mga coastline kasabay ng pagtiyak na hindi doon sa mga delikadong area o hazard area.  Hindi rin dapat umano makalimutan ang pagtutok sa epektong iniiwan ng kalamidad. Tulad na lamang ng mga natutumbang poste na ang nagbabayad walang iba ang kooperatiba na pinapasa naman sa mga consumer. Isa sa bibigyan pansin ang pagsubsidize ng gobyerno.

Halimbawa na lamang ng ALECO na napipilitang umutang sa NEA kaya labis ang nagagastos at papasanin naman ng mga tao. Kanyang itutulak ang automatikong pag-subsidize ng gobyerno sa 20% ng damage na tinamo ng kooperatiba. Ito’y upang hindi na maghintay pa na umutang sa NEA, LGU at sa iba pa. Ngunit ayon sa kanya ang pinaka-long term plan ay ang underground electric post. Bumagyo man daw tiyak na hindi maapektuhan ang mga poste. Uunahin lamang umano ang mga commercial area, mga kabisera hanggang sa residential area. Hindi rin umano kakalimutan ng lehislador na iprayoridad ang land use plan para sa mga state and colleges, na layong matukoy ang para sa commercial, dormitory at iba pa. Tulad na lamang ng Bicol University na ayon sa kanya di pa man nila naisusulong ay may nagawan na mismo si Dr. Arnulfo Mascarinas kaya makikita na rito ang commercial at dormitory.

Kaugnay nito, kaniyang hinihikayat ang mga state colleges sa public private partnership nang sa ganon makapagpagawa ng dormitory sa private sector ngunit magkakaroon ng hatian ng kita para makabawi naman ang pribadong sector.  Sakaling kasing maghihintay pa ng pondo hindi ito makagagawa ng nasabing hakbangin at hindi rin mamomodernized.

Nakahanay na rin ang patuloy na pagsulong ng PNR modernization at pagtapos ng Bicol International Airport para makatulong sa turismo. Ang nasabing mga plano ay patunay na lamang sa pangunguna ang Ako Bicol sa paghain hindi lamang ng mga batas sa Kongreso kundi mga programang mapapakinabangan hindi lamang ng mga Bicolano kundi ng pangkahalatan.

FullSizeRender 13

This entry was posted in Press Release, Uncategorized and tagged , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s