Dahil sa karanasan sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay,Ito ang adbokasiya ni Batocabe na palagian niya umanong isinusulong sa Kongreso na magkaroon ng pondo para sa mga evacuation centers.
Awa umano ng Diyos, nagkaroon na ito ng item at nakasabay sa general appropriation act ng Kongreso. Nailahad ng kongresista ang nasabing plano makaraang maitanong sa kanya ang ilang estado ng mga pampublikong paaralan kung saan binabawi umano ng mga heridero ang lupang kinatitirikan nito. Isa sa mga naihalimbawa ay ang sitwasyon ng Daraga Central School.
Ayon sa opisyal, mayroon namang legal department ang Department of Education na siyang tumututok sa ganitong mga sitwasyon. Nais din sana umano niyang maayos ang ganitong mga sitwasyon. Katunayan ay naipaabot niya na umano ito mismo ki DepEd Sec. Armin Luistro kung saan kanyang iminungkahi na magkaroon ng mediation, kaya lang aniya ang sagot sa kanya ng kalihim, panong sila ang gagawa nito na sila nga ang sinasampahan ng kaso.